narnia asides

I’m sorry, djop and lem, I just had to post your comments here, they made my day!!!

1. paano naging magaling kaagad si peter sa sword fight? e mukhang mas mahaba pa sa arms nya yung sword nya. matatalo nya si Jadis na sanay na sanay gumamit ng double sword?! unthinkable!

2. at bakit naman super bitin ang role ni susan? para saan naman kaya ang bow and arrow nya kung sa isang dwende lang mapupunta ang bigay sa kanya ni santa claus? at mukhang wala pang 3 metro ang layo ni susan nung ni release nya ang arrow?

3. si edmund naman. itataas lang nya sword nya tapos sisigaw lang siya ng “fire” tapos titira na yung archers. tapos akala nya pagnabasag nya yung magical scepter nung eh mananalo na sila at tapos na ang laban. BIG mistake. ayun sinaksak tuloy siya ni witch gamit yung basag na scepter. yan ang napala niya.

4. anong weapon ni edmund? sword din?

5. mukhang maganda din ang role ni edmund as a villain in the future, what do you think? pwede ba siyang gawing kalaban ni peter? sa tingin ko in the next episodes ay mas maeemphasize yung rivalry ni Peter at Edmund. Peter being the good guy at si edmund yung villain at magkakatuluyan sila ni Jadis. Go Edmund!!!

6. yung forces of “good” may air force (yung mga griffins, phoenix, eagles, etc.) eh bakit hindi pinalipad yung mga mananagal ng forces of “evil”. pinoprovoke pa naman nung isang manananggal si aslan nung eve of the battle.

7. may power of reincarnation yung forces of “good”. isipin nyo…hindi sila mauubos. unang una yung muling pagkabuhay ni Aslan. Patay na sya dapat (at kalbo)! Pinatay siya ni witch (kinalbo muna ni dwarf). pangalawa, bawat mafreeze ni Jadis ay automatic napupunta in frozen state dun sa may gate nung kanyang castle. eh kung mag-aabang lang si Aslan dun sa gate at bawat dadating na frozen warrior ay iihipan nya. unlimited na yung forces nya!

8. dagdag mo pa yung magic potion ni lucy na kahit anong wound ay napapagaling. “isang patak lang”. parang Joy dishwashing liquid!

9. disadvantaged na talaga si Jadis sa simula pa lang kasi yung mere act na pagpasok sa loob ng wardrobe (world of narnia) nung 4 na kids ay humina na kaagad yung powers nya.

10. nung sa battle naglaban ang mga cheetah at tigers, sino ang nanalo?

11. nung naging apoy ba yung parang phoenix na ibon at pinalis sya ni jadis namatay na ba yung ibon? nagre-resurrect ba ang phoenix na naging yelo? bad trip no, phoenix ka nga, power mo mabuhay ulit pagkatapos maging apoy tapos may makakasalubong kang Ice Queen habang apoy ka?

12. bakit evil forces ang mga buffalos? at wolves? di ba mababait din naman sila? e rhino nga mabait sa movie e…

13. magkakatuluyan ba si Lucy at yung kalahating kambing?

14. di ba pag tinusok mo ng malaking sword ang isang makapal na yelo, masisira din yun di ba?

15. mabubuhay ba ulit yung queen? galing ng outfits nya. biro mo pati yung inahit na buhok ni aslan sinuot nung battle

And that, folks, is how my friends do a movie review.

One thought on “narnia asides

  1. Vera January 18, 2006 at 6:00 pm Reply

    Astig te… May copywright ba iyan??? Lagay ko naman na sina Kuya Djop and Lem ang nag-sulat!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: