Monthly Archives: October 2006

stream of consciousrant

Dumudugo na mata ko kahahanap sa internet ng Chinese media na pwedeng imbitahin sa conference namin. Ang hirap kayang maghanap, kasi syempre puro Chinese characters makikita ko sa Chinese websites diba? Tapos kung may English version naman minsan for some weird reason wala man lang “contact us” page. O kaya wala silang email. Kung minsan may email, pero magb bounce pag pinadalan mo na. Kung minsan may fax/phone, pero pag tinawagan mo naman yung number does not exist daw. O kung suwertehin kang may makasagot ng tawag hindi naman marunong mag-english, tapos bababaan ka na lang ng telepono once ma-realize nya na malabo naman kayong magkaintindihan (may punto rin naman, diba? Sayang din ang long distance). Nai-imagine mo ba yung stress nun? Tapos halos araw-araw tatanungin ka ng boss mo kung ilan na yung confirmed media tapos ang masasabi mo lang, “apat.”

Last week pa ko nage-email, nagtatawag, nagfa-fax, nagsu-surf ng mae-email at matatawagan, at hanggang ngayon, apat pa lang yung confirmed media namin. Leche, nakaka-praning. Di mo alam kung pasaway lang silang mag-RSVP o wala talagang dadating para mag-cover ng conference. Tapos nagkataon pang may week-long holiday sa China ngayon at tipong wala yatang nagt-trabaho, kasi yung mga tinatawagan namin sinasabi tumawag na lang daw next week. Next week, e papunta na kaya kami sa China next week.

Wait.

Oh yeah, papunta kaming China next week!!! Whee!!! Urumqi, here I come!