eksena sa mini-stop

Pramis, isa na ‘to sa mga pinakanakaka-windang na pag-uusap na napagdaanan ko sa buong buhay ko:

Sa Mini-Stop sa may kanto ng Rufino at Esteban, sa tapat ng Security Bank, 7:30 ng gabi, ika-28 ng Nobyembre. Bumibili ako ng hapunan.

Ako: Yung 2-piece chicken meal

Kahera: Ma’am, may drinks po ba?

Ako: Umm… wala na lang

Kahera: Ay hindi po pwede yung walang drinks

Ako: (napatigil ng konti) O-kaay… tinanong mo pa kasi ako e

Kahera: Ma’am tinatanong po talaga yon

Ako: (nagpipigil na) Wala naman akong choice e, hindi pala pwedeng wala!

Kahera: (medyo lito na rin pero nangangatwiran pa, baka sakaling lumusot) Pwede nyo naman po kasing hindi kunin yung drinks ma’am.

Meaning ganon pa din yung bayad mo pero may choice ka na huwag na kuhanin yung drinks? Parang gusto ko nang lumingon-lingon sa paligid, baka may camera ng “wow mali” na nakatago.

Ako: A hindi, yung may drinks na

Gustong-gusto ko na mang-away ng mga sandaling yon kasi nakakaloko na talaga sya, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. In fairness hindi naman mataray yung kahera, pero parang wala talaga sya sa katinuan ng pag-iisip kung makipag-usap. Nang dumating na sa counter yung kasama ko dala yung mga bibilhin nya, inabutan nya ‘kong umiiling-iling at ngumingiti-ngiti na lang. “Nini, may ikukwento ako sa iyo mamaya pagbalik natin,” sabi ko na lang sa kanya. Lumayo na muna ako sa counter habang inihahanda nila yung order ko, dahil kung hindi baka magsalita pa ulit ng kung ano yung kahera e masabunutan ko na sya.

Habang minumuni-muni ko ang pangyayari sa harap ng grocery shelves, unti-unting naalis ang inis ko at napalitan ng hindi mapigilang pagtawa. Mula umalis kami ng mini-stop hanggang makabalik ulit sa office, at habang ikinu-kwento ko kay Nini ang nangyari, halos hindi ako tumigil ng pagtawa. Sumakit ang tiyan ko.

Napag-isip-isip ko ngayon, typical na Pinoy reaction yung ginawa ko. Daanin sa tawa kahit hindi naman nakakatuwa yung nangyari. Palampasin na lang. Umiwas sa abala at gulo. Panggagago man ng kahera ng mini-stop o pangungurakot ng opisyal ng gobyerno, kayang daanin ng Pinoy sa tawa. Ang iniisip ko kasi non, ayoko namang lumabas na nang-aaway ng hamak na kahera. Pero kahit kahera ka pa man o presidente ng kompanya, hindi ka naman dapat nangga-gago ng tao diba? Napag-isip-isip ko ngayon, dapat pala pinagsabihan ko man lang yung kahera, kesa naman windangin nya lahat ng bibili sa kanya sa tanong nyang yon. Pag nadaan kayo ng mini-stop at nangyari sa inyo yon, sana huwag nyong palampasin. Ibawi nyo na lang ako.

At oo nga pala, nung inabot na sakin nung kasamahan nung kahera yung order kong chicken, wala yung drinks. Binalikan ko pa yung kahera at tinanong kung nasan na yung drinks. Sagot lang nya, “Ay hindi po ba kayo nabigyan?”

Nakaka-windang talaga.

6 thoughts on “eksena sa mini-stop

  1. noreen November 30, 2006 at 2:22 am Reply

    anong gusto mong gawin ko sa tindera para iganti kita? lol.

    hay naku, dami talagang windang na tindera dyan sa ministop na yan. alam ko nainis din ako dyan dati eh, di ko lang matandaan kung bakit.😀

    oist, may season 3 ka na ba ng grey’s?

    Like

  2. Mika November 30, 2006 at 2:32 pm Reply

    Lost in translation nga.
    I swear, this is a million times funnier in real life.

    Like

  3. kurokurokoto December 4, 2006 at 1:05 pm Reply

    kakatawa nga ito.🙂

    salamat s pagbisita sa blog ko.

    Like

  4. V January 4, 2007 at 8:42 am Reply

    haha! duh! talaga ‘yung mga moments na iyan. may times talaga na natatawa na lang ako at nagpaparaya, pero meron din yung lumalaban talaga ako.

    ugaling pinoy nga ang ngumiti na lang at umiling kapag may di gusto. ginagawa ko rin iyon dito. lalu nung nagpa-load ako sa granada. kairita talaga yung may ari. siya pa may ganang humirit at mag taas ng boses! ako pa sumigaw ng tranquila!

    ngiti na lang talaga.

    ps. ngayon lang ako nakapag basa uli ng mga entries mo te. I MISS GREY’s ANATOMY! Bakit wala sa LimeWire? Anong gamit mo ate?

    Like

  5. V January 4, 2007 at 8:46 am Reply

    Doctor McDreamy! Naalala ko na! Tama ba? Basta gwapo si Patrick Dempsey! Gusto ko rin soundtrack ng Grey’s, fave ko yung Live and Let Learn ng Cardigans, saka yung Psapp’s Cosy in a rocket.

    Like

  6. wolverina January 4, 2007 at 9:01 am Reply

    haha, saya, makipag-away in spanish, parang everything sounds sharper and more biting, he he. go girl, wag magpa-api!

    si don ang taga-download ng grey’s. torrent downloads using bit lord. good luck sa downloads, season 3 na!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: