Monthly Archives: December 2006

anong gimik ng drayber nyo?

Mataas daw ang pinag-aralan ng mga taxi driver, sang-ayon sa driver na nasakyan namin nung isang araw. Karamihan daw sa kanila ay kumuha ng mga kursong katulad ng mga sumusunod:

Civil Engineering: Ito yung mga nangongontrata
Mechanical Engineering: Sila yung mga magaling mang-butinting ng metro para maging mas mabilis ang takbo. Efficient nga naman
Tourism: Bago ka nila dalhin sa destinasyon mo, ipapasyal ka muna at i-iikot sa kung saan-saan
Mathematics: Yung mga hindi nagsu-sukli
Journalism: Yung mga madadaldal at tsismoso – dito sa kategoryang ito aminado ang driver ko na kabilang sya. (Ang daldal nya talaga. Mula Makati hanggang Diliman.)

Gusto ko na ring idagdag na may driver din na kumuha ng Music malamang o Performing Arts, kamukha nung driver ko nung pauwi na ko. Emote na emote sya habang sumasabay sa radyo kumanta ng “Tonight I Celebrate my Love for You,” with matching sway-sway pa at marahang pag-kumpas at pag-dagok sa manibela.

Nakaka-fascinate din ang mga taxi driver. Kadalasan tig-24-hours ang shift nila. Liban sa konting panahon ng idlip, pahinga at kain, ganon katagal nilang binubuno ang traffic ng Metro Manila, kasama na ang mga butas-butas na kalsada, baha, kotong na pulis, holdaper, pasaway na mga motorista, mataas na presyo ng gasolina. Bente-kwatro oras. Kung ako din yon, makaka-develop din ako ng sarili kong uri ng kabaliwan.