anong gimik ng drayber nyo?

Mataas daw ang pinag-aralan ng mga taxi driver, sang-ayon sa driver na nasakyan namin nung isang araw. Karamihan daw sa kanila ay kumuha ng mga kursong katulad ng mga sumusunod:

Civil Engineering: Ito yung mga nangongontrata
Mechanical Engineering: Sila yung mga magaling mang-butinting ng metro para maging mas mabilis ang takbo. Efficient nga naman
Tourism: Bago ka nila dalhin sa destinasyon mo, ipapasyal ka muna at i-iikot sa kung saan-saan
Mathematics: Yung mga hindi nagsu-sukli
Journalism: Yung mga madadaldal at tsismoso – dito sa kategoryang ito aminado ang driver ko na kabilang sya. (Ang daldal nya talaga. Mula Makati hanggang Diliman.)

Gusto ko na ring idagdag na may driver din na kumuha ng Music malamang o Performing Arts, kamukha nung driver ko nung pauwi na ko. Emote na emote sya habang sumasabay sa radyo kumanta ng “Tonight I Celebrate my Love for You,” with matching sway-sway pa at marahang pag-kumpas at pag-dagok sa manibela.

Nakaka-fascinate din ang mga taxi driver. Kadalasan tig-24-hours ang shift nila. Liban sa konting panahon ng idlip, pahinga at kain, ganon katagal nilang binubuno ang traffic ng Metro Manila, kasama na ang mga butas-butas na kalsada, baha, kotong na pulis, holdaper, pasaway na mga motorista, mataas na presyo ng gasolina. Bente-kwatro oras. Kung ako din yon, makaka-develop din ako ng sarili kong uri ng kabaliwan.

9 thoughts on “anong gimik ng drayber nyo?

  1. kurokuroko December 5, 2006 at 7:44 pm Reply

    hey, salamat sa pagbisita sa blog ko!

    Like

  2. noreen December 6, 2006 at 6:04 am Reply

    si clarissa, muntik ng magkadyowa ng taxi driver. LOL. ask mo na lang sya for details. hiningi ng taxi driver number nya eh.😀

    ako naman, keri ko ang driver na machika, basta nasa mood lang ako makipag-usap sa kanya.😀 kasi may times na pagod na ako at wala ako sa mood makipagdaldalan.😀

    Like

  3. mike December 7, 2006 at 10:06 am Reply

    oi, salamat rin sa pagbisita sa blog ko. nabasa ko ilang mga artikulo ko, at medyo related ang ating mga paksa. (or so I think😀 ) wala lang.

    sa palagay ko, marami ring mga taxi driver ang may kursong political science. lalo na yung mga naka-AM radio sa taxi nila. laging may (informed) comment ukol sa usaping pulitika. yun lang.

    Like

  4. Mika December 7, 2006 at 2:31 pm Reply

    This is so hilarious! LMAO.

    Like

  5. wolverina December 8, 2006 at 3:31 am Reply

    mike, kurokuroko: onga, masipag ako mag-ikot ng blogs nung mga nakaraang araw, kung minsan may mga magagandang discoveries😀

    noreen: true to the process of how we met, through blogs lang halos ang communication natin at hindi naman nagb-blog si clarissa. aynako magsign-in nga kayo sa gtalk kasi dun lang ako pwedeng makipag-chikan these days!

    mika: gawa ka ng post, tungkol naman sa mga pasaway na mmda na nanghuhuli sayo, he he…

    Like

  6. don December 11, 2006 at 11:52 am Reply

    Nakalimutan mo isama yung “sh*t” expression nung driver na British yung accent🙂 Nahawa ata ako!

    Like

  7. Dominique December 24, 2006 at 12:10 pm Reply

    Merry Christmas, Rina!

    Like

  8. noreen December 27, 2006 at 6:18 am Reply

    merry christmas, rina!🙂

    Like

  9. V January 4, 2007 at 12:19 am Reply

    never akong nakadanas ng makipagdaldalan sa taxi driver. well, except pala nung nasa makati ako. taga laguna rin daw kasi siya. kaya ayun.

    may magaling rin sa math na tumatanggap ng kulang ate! mapalad ako nun! may utang ako sa kaniyang limang piso! hehe

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: